Nanay-nanayan.

Walang manual na hinihintay na lumabas kasabay ng paglabas ng isang sanggol. Siguro kung meron, hindi na siguro lumalaki ang pores ko kakaisip kung paano ako magiging epektibong ina.

Hindi ko lolokohin ang sarili ko. Sa kabila ng lahat ng nakikita ng iba, aminado akong hindi ko alam ang ginagawa ko bilang isang ina. Sino ba ang nag-train sa akin bilang maging ina? Wala namang kurso sa kolehiyo na pwedeng kunin para maging mahusay na ina.

Sabi ng mga tao, dakila maging ina. Ang sabi ko, don't judge the book by its cover. Hindi por que umire ka e nanay ka. Kung ganun lang ang batayan ng pagiging nanay e madali nga lang talaga. Mahirap magpakananay.

Kapag nanay ka, nanay ka. Mahirap nang bumuo ng isang identity bukod sa pagiging ina. Lahat ng adjective na maaaring gamitin para sa iyong description ay may kadikit na three-letter word. Hindi ka pwedeng maging hot lang. Hot mom, pwede pa. Hindi ka lang single. Single mom ka. Hindi ka lang cool. Cool mom ka. Kung compliment ba yan o sarcasm, depende na sa iyo yun.

Sabi nila, ang pag-aasawa'y hindi kaning kapag sinubo'y maaaring iluwa. Matagal nang nasa diksyunaryo ang mga salitang divorce at annulment. E ang pagiging nanay? May salita bang nabuo para ihiwalay ang identity na ito sa isang tao?

Wala ata. O baka hindi lang talaga ako nagbabasa ng dictionary at hindi ko pa naeencounter ang salitang iyon sa buong buhay ko.

Kidding aside, mahirap magpakananay. Sa sobrang hirap, hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang post na ito nang hindi nambibitin.

Comments

  1. e nambitin ka e.parang yung piling ng napitin lang. lol. piz.

    hmmm. pag sinabi kong hot mom ka. compliment yon. hehe

    sa tingin ko lahat ng tao close sa nanay nila. nature na yon. kahit walang manual na binabasa ang nanay, nasa dugo yon. automatic. gagawin nya lahat para sa anak nya. dugot pawis.

    kahit sa larong nanay-nanayan ang punong abala ay ang nanay.

    ReplyDelete
  2. Hmm. Hindi ako close sa nanay ko. Lumaki kasi ako sa poder ng aking mahal na lola. Hanggang ngayon, marami kaming pinagtatalunan. Abala kasi siya sa trabaho noon. Ang kinakatakot ko nga ay ang maging katulad niya.

    ReplyDelete
  3. o ayan na! pwedeng no comment? :p

    nice post! blog on! hehehe!

    ReplyDelete
  4. Haha. Thanks AIM! Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako bumalik. :)

    ReplyDelete
  5. isa sa mga blessings sa buhay ay ang pagiging ina. hindi namin kayang mga lalaki yan. pero ang pagiging ina,natural na yan sa mga babae, hindi na yan kailangan ituro dahil nasa systema na nila yan. pero ang pagiging mabuting ina kelangan lang eh puso.. bwahahahahahahah

    di ko alam pinagsasabi ko. hindi pa ko sinasagot ng magiging ina ng mga anak ko eh. haha

    ReplyDelete
  6. Hmmm.. E diba saging lang ang may puso? LOL.

    ReplyDelete
  7. Hindi por que umire ka e nanay ka na.

    namimiss ko na si darryl. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts