Thursday, September 18, 2014

Paalam,Lola.

Gusto ko sanang sabihin: bakit hindi mo hinintay lumabas si Panday? Pasabog ang pagsasara ng taong ito at ang taong darating - limang apo sa tuhod ang paparating. Bakasakaling nen user ka gaya ni Kite ng Hunter X Hunter na nagawang ilipat ang ispiritu nya sa isang bagong silang na bata. Bakasakali lang naman. Rock and roll siguro yun - isang batang mahilig maglaba, magaling magmanicure, pedicure, at mabunganga.

Hindi ko pa rin maisip na wala ka na. Noong linggo lang, huli kitang nakita. Hawak mo ang aking kamay, pinipindot na parang nagpa-pass the message tayo. Hindi ka na kasi makapagsalita tapos ng second mild stroke mo. May lungkot sa iyong mga matang may nais ipahiwatig, may nais sabihin na di ko ma-decipher sa pass the message session natin. Sinusubukan mo bang sabihin kung ano ang ipapamana mo sakin?

Naisip ko, hindi ko na matitikman nag diningding mo. Hindi na magiging singlinis ng dati ang mga kuko ko. Wala nang magbubunganga sa akin tuwing uuwi ako. Mababawasan ang manghihingi sa akin ng allowance at mababawasan ang pasasalubungan ko pag tinoyo ako. 

Siguro, ngayon ang akma, kung hindi tamang panahon na lumisan ka. Kung hindi ngayon, kailan? Birthday ni kuya next week. Birthday ko ilang linggo mula ngayon. Sana inantay mo ang susunod mong birthday. Sana inantay mo ang pasko, ang bagong taon. Sana inantay mo ang bukang liwayway, ang susunod na supermoon o superbagyo o leap year hanggang magcelebrate na tayo ng centennial year mo sa mundo. 

Sana inantay mong handa akong mawala ka bago ka nawala. 


Sunday, January 1, 2012

Letters for Ziggie 101: Payong Elli 1, 2 and 3

Dumadaan ang mga araw at dumadami na rin ang gusto kong ipaalala sa iyo kapag malaki ka na (yan ang term mo sa matanda) at alam kong baka hindi ko kayang isa-isahin ito kapag dumating ang panahong kailanganin natin ito.
Anyway, sasabihin ko na paisa-isa, pasumpong-sumpong. Uurong. Susulong. Bahala na si Batman.
Kapag malaki ka na, maiisip mong tama ang mga payo kong sinuway mo. Maiisip mo: Elai should've not sounded like a broken record, I should've taken her words as music to my ears.'
Malalaman mo pagtanda mo na makakapaghintay ang magical moment ng first kiss, first love, first girlfriend, first heartbreak, ever. Totoong may butteriflies on your stomach, kaya piliin mong mabuti ang iyong makakapareha at wag mong sayangin ang perang ininvest ko sa pag-aaral mo at savings mo at lumaki kang retard na nagpapakalango sa alak, or worse , droga, kapag 'nasaktan' ka. True love waits, and whatever you do might make the waiting, well, harder.
Dilemma ang paghahanap ng eskwela para sayo. Believe me, ito ang pangunahing stressor ko for end 2010 up to date 2012. Peste, wag na wag kong maririnig na 'sana dito mo ako pinag-aral, etc dahil tao lang ako, at walang psychic abilities ang ina mo para mahulaan kung anong gusto mong maging paglaki mo. Tinanong kita, at ang tanging sinasabi mo: Gusto mo nang lumaki at magtrabaho at bibilhin mo ang lahat ng gusto ko.
Gusto kong malaman mo na matampuhin ako. Magtatampo ako kapag hindi mo tinupad ang mga pangako mo - tulad nang ibibili mo ako ng bahay, kotse (na parang napakasimple lang) at aalagaan mo ako. Although, wala naman akong magagawa. Anak kita at mahal kita, and if things don't turn out the way I want them to be, I know that there is a reason for it.
And as I teach you patience,I teach myself more. Kailangan maging pasensyoso ako sa mga panahong impatient ka na. I have to keep cool kahit pa nag-aalburoto na ako inside. I should set a good example to you and I hope I really did.

Sunday, August 28, 2011

Hindi sapat.

"Mahirap bang magbuntis?" Yan ang kadalasang tanong ng mga taong mapagmatyag at takot subukang mag-experiment. Hindi ko mapipigilang mapangiti sa ganitong mgatanong. Mahabahabang argumento na naman ito. (Insert evil grin here).
Nakakulong sa 38 1/2 weeks ang aking pagbubuntis na maaari kong ikwento in one night with a couple of beers between us.
Kung tutuusin, mas maraming perks kapag buntis ka. Mas madali akong nakakuha ng I.D. sa SSS. Nakakagamit pa ako ng elevator sa unibersidad dahil para lang sa faculty, elderly at pregnant women yun. Yun nga lang, kailangang matibay ang mukha mong harapin ang nakakamatay na titig ng mga oldskul professors sa iyo at sa kinahinatnan mo. (Dahil dito'y lakad takbo ko nalang inakyat ang ikaanim na palapag ng gusali).
Kapag nanganak ka na, hindi ka one step further everyone else. Ang pagiging single parent ay walang pinagkaiba sa pagiging Married with one dependent, tulad ng ang mga single ay walang pinagkaiba sa Married without a dependent. Hindi ka rin pwede sa Elderly and pregnant section ng LRT II.
Hindi mo maididikit ang titulo mong single mother iyong pangalan. Hindi ito tulad ng (insert name here), Ph.D. o Atty. (insert name here). Pero kapag nakahalo sa iyong introduction ang pagiging single mother (e.g. Hello I'm [insert name here] and I am a single mother), paniguradong kalahati na ng populasyong sasayang sa oras mo ang eliminated.
Ang masakit pa nito'y gigising ka isang araw at tatanungin ka ng iyong anak kung asan ang kanyang ama at hahanapin niya ito dahil sa kabila ng lahat ng sakripisyo mo bilang isang single mother, dalagang ina, babaeng maagang naglandi, etc., alam mong di ka pa rin sapat.

Saturday, August 13, 2011

Let's talk about CLOSURE.

Closure. It’s the end of everything. Yun yung sa isang relasyon, yung final talk ng magsyota bago sila maghiwalay. Tama na. Ayoko na. Makakahanap ka pa ng magmamahal sa iyo, abp. Yun ang kadalasang mga linya. Sa isang one night stand relationship, pag hindi magaling ang isa, yun na ang end of it. Wala nang text o tawag, wala nang tawagan ng babe o anupaman, at bumilang ka ng isa o tatlong linggo, pag nagtext ka e who are you? ang sagot o kaya e sadyang mamumuti na ang itim sa iyong mata kakahintay ng reply e wala nang magrereply sayo kahit kailan kasi nagpalit na ng number ang taong ito.

Closure. We all wanted closures in our life. Na para bang hindi tayo matatapos mag-isip tungkol dun sa taong yun kung walang closure. Pero kahit naman me closure na e hindi naman natatapos ang pagiisip natin sa tao, ibablock natin siya sa facebook pero gagawa tayo ng troll account para ma-stalk ang latest updates sa kanya at hihingi ng tulong kay pareng google kung meron ba tayong mahahanap na kahit na anong impormasyon tungkol sa kanya.


Ganito yan. Para kang hindi nag-almusal at patuloy pa rin naman ang buhay mo pero maya-maya, magugutom ka rin at kakain. Gusto mo ring kainin yung napanaginipan mo kanina, at alam mong kakainin mo rin yun kahit ilang oras mong pinigil ang sarili mo.


Pero naisip ko, meron nga bang closure? Meron kasi at marami kasing nagwawallow sa pain, sa heartbreak, na para bang hindi na sila makakahanap ng iba pa. Kahit pa nakita mo nang me iba nang ka-holding hands yung syota mo at umamin na siyang hindi ka na niya mahal (at dapat e yun na yung end of it) e tatlong linggo pagkatapos nun, papasok ka pa rin sa opisina ng namumugto ang mata, at nagbabasa ng self-help books.

Sabihin na nating natapakan ang ego mo, nadungisan ang pagiging magandang babae o lalake mo, pero ang kadalasang maririnig mong linya sa kanila e ‘Wala kasing closure.

Pero, meron din namang nabubuhay sa walang closure. Yung biglang iniwan ng walang pasubali, yung mga partners na sweet-sweetan (pero hindi naman daw sila at special lang daw ang turingan nila) tapos all of a sudden, hindi na lang sila nagpapansinan.Walang usap-usap, walang kahit ano. Basta bigla na lang nawala at ang lahat ng tao e lalapit sayo at magtatanong kung bakit at magsasabi na ’sayang naman, you look good together pa naman’ at kung anu ano pa na para bang may fans club pala ang special friendship mo sa gagong ito.


Hindi mo alam kung san ka nagkamali. Hindi mo alam kung dahil ba sa bagong waxed mong kilikili o dahil sa isang bagay na nakwento mo kaya siya lumayo.


May closure. Sinabi niya na siya ang mali. Sinabi niyang hindi na siya tinitigasan sayo. Sinabi niyang hindi ka magaling kumantot at may nahanap siyang mas malaking ari kesa sayo. Sinabi niyang mabaho ang hininga mo at sinabi niyang ayaw niya sa bunganga ng nanay mo.

May closure o wala, pareho silang nag-iisip ng what if. What if hindi ako nagpawax? What if hindi ako nagkwento tungkol na paborito ko ang Two Girls and One Cup? What if nilakasan ko pa ang pagmomoan ko? What if uminom ako ng viagra? What if kumonsulta na ko sa doktor nung napansin kong mabaho ang hininga ko? What if ipinadlock ko na ang nanay ko sa basement at nilagyan ng maraming plaster ang bibig niya tuwing pupunta siya sa bahay?

Halos pareho lang. Kaso yung mga walang closure, clueless. Hindi nila alam kung san sila nagkamali.


At sa isang banda, magiging pareho sila sa elemento ng hindi pagtuto. Pustahan. Hindi sila magbabago. Sasabihin nila, ‘may makikita rin ako na tatanggapin ako ng buong buo, kahit pa mabaho ang hininga ko.’

Closure.

Walang closure.


Isa lang ang bagsak niyan-


One message received

::Dude, san ka? Tara, inom tayo. Sagot ko!

Sunday, July 17, 2011

Nanay-nanayan.

Walang manual na hinihintay na lumabas kasabay ng paglabas ng isang sanggol. Siguro kung meron, hindi na siguro lumalaki ang pores ko kakaisip kung paano ako magiging epektibong ina.

Hindi ko lolokohin ang sarili ko. Sa kabila ng lahat ng nakikita ng iba, aminado akong hindi ko alam ang ginagawa ko bilang isang ina. Sino ba ang nag-train sa akin bilang maging ina? Wala namang kurso sa kolehiyo na pwedeng kunin para maging mahusay na ina.

Sabi ng mga tao, dakila maging ina. Ang sabi ko, don't judge the book by its cover. Hindi por que umire ka e nanay ka. Kung ganun lang ang batayan ng pagiging nanay e madali nga lang talaga. Mahirap magpakananay.

Kapag nanay ka, nanay ka. Mahirap nang bumuo ng isang identity bukod sa pagiging ina. Lahat ng adjective na maaaring gamitin para sa iyong description ay may kadikit na three-letter word. Hindi ka pwedeng maging hot lang. Hot mom, pwede pa. Hindi ka lang single. Single mom ka. Hindi ka lang cool. Cool mom ka. Kung compliment ba yan o sarcasm, depende na sa iyo yun.

Sabi nila, ang pag-aasawa'y hindi kaning kapag sinubo'y maaaring iluwa. Matagal nang nasa diksyunaryo ang mga salitang divorce at annulment. E ang pagiging nanay? May salita bang nabuo para ihiwalay ang identity na ito sa isang tao?

Wala ata. O baka hindi lang talaga ako nagbabasa ng dictionary at hindi ko pa naeencounter ang salitang iyon sa buong buhay ko.

Kidding aside, mahirap magpakananay. Sa sobrang hirap, hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang post na ito nang hindi nambibitin.