Hindi sapat.

"Mahirap bang magbuntis?" Yan ang kadalasang tanong ng mga taong mapagmatyag at takot subukang mag-experiment. Hindi ko mapipigilang mapangiti sa ganitong mgatanong. Mahabahabang argumento na naman ito. (Insert evil grin here).
Nakakulong sa 38 1/2 weeks ang aking pagbubuntis na maaari kong ikwento in one night with a couple of beers between us.
Kung tutuusin, mas maraming perks kapag buntis ka. Mas madali akong nakakuha ng I.D. sa SSS. Nakakagamit pa ako ng elevator sa unibersidad dahil para lang sa faculty, elderly at pregnant women yun. Yun nga lang, kailangang matibay ang mukha mong harapin ang nakakamatay na titig ng mga oldskul professors sa iyo at sa kinahinatnan mo. (Dahil dito'y lakad takbo ko nalang inakyat ang ikaanim na palapag ng gusali).
Kapag nanganak ka na, hindi ka one step further everyone else. Ang pagiging single parent ay walang pinagkaiba sa pagiging Married with one dependent, tulad ng ang mga single ay walang pinagkaiba sa Married without a dependent. Hindi ka rin pwede sa Elderly and pregnant section ng LRT II.
Hindi mo maididikit ang titulo mong single mother iyong pangalan. Hindi ito tulad ng (insert name here), Ph.D. o Atty. (insert name here). Pero kapag nakahalo sa iyong introduction ang pagiging single mother (e.g. Hello I'm [insert name here] and I am a single mother), paniguradong kalahati na ng populasyong sasayang sa oras mo ang eliminated.
Ang masakit pa nito'y gigising ka isang araw at tatanungin ka ng iyong anak kung asan ang kanyang ama at hahanapin niya ito dahil sa kabila ng lahat ng sakripisyo mo bilang isang single mother, dalagang ina, babaeng maagang naglandi, etc., alam mong di ka pa rin sapat.

Comments

  1. kaya nga saludo ako sayo e.. kase matapang ka at madiskarte.. that sets you different from the rest of us..

    am sure, summer is soooooo proud of you! no matter what!

    kampay!

    an_indecent_mind

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts