Let's talk about CLOSURE.

Closure. It’s the end of everything. Yun yung sa isang relasyon, yung final talk ng magsyota bago sila maghiwalay. Tama na. Ayoko na. Makakahanap ka pa ng magmamahal sa iyo, abp. Yun ang kadalasang mga linya. Sa isang one night stand relationship, pag hindi magaling ang isa, yun na ang end of it. Wala nang text o tawag, wala nang tawagan ng babe o anupaman, at bumilang ka ng isa o tatlong linggo, pag nagtext ka e who are you? ang sagot o kaya e sadyang mamumuti na ang itim sa iyong mata kakahintay ng reply e wala nang magrereply sayo kahit kailan kasi nagpalit na ng number ang taong ito.

Closure. We all wanted closures in our life. Na para bang hindi tayo matatapos mag-isip tungkol dun sa taong yun kung walang closure. Pero kahit naman me closure na e hindi naman natatapos ang pagiisip natin sa tao, ibablock natin siya sa facebook pero gagawa tayo ng troll account para ma-stalk ang latest updates sa kanya at hihingi ng tulong kay pareng google kung meron ba tayong mahahanap na kahit na anong impormasyon tungkol sa kanya.


Ganito yan. Para kang hindi nag-almusal at patuloy pa rin naman ang buhay mo pero maya-maya, magugutom ka rin at kakain. Gusto mo ring kainin yung napanaginipan mo kanina, at alam mong kakainin mo rin yun kahit ilang oras mong pinigil ang sarili mo.


Pero naisip ko, meron nga bang closure? Meron kasi at marami kasing nagwawallow sa pain, sa heartbreak, na para bang hindi na sila makakahanap ng iba pa. Kahit pa nakita mo nang me iba nang ka-holding hands yung syota mo at umamin na siyang hindi ka na niya mahal (at dapat e yun na yung end of it) e tatlong linggo pagkatapos nun, papasok ka pa rin sa opisina ng namumugto ang mata, at nagbabasa ng self-help books.

Sabihin na nating natapakan ang ego mo, nadungisan ang pagiging magandang babae o lalake mo, pero ang kadalasang maririnig mong linya sa kanila e ‘Wala kasing closure.

Pero, meron din namang nabubuhay sa walang closure. Yung biglang iniwan ng walang pasubali, yung mga partners na sweet-sweetan (pero hindi naman daw sila at special lang daw ang turingan nila) tapos all of a sudden, hindi na lang sila nagpapansinan.Walang usap-usap, walang kahit ano. Basta bigla na lang nawala at ang lahat ng tao e lalapit sayo at magtatanong kung bakit at magsasabi na ’sayang naman, you look good together pa naman’ at kung anu ano pa na para bang may fans club pala ang special friendship mo sa gagong ito.


Hindi mo alam kung san ka nagkamali. Hindi mo alam kung dahil ba sa bagong waxed mong kilikili o dahil sa isang bagay na nakwento mo kaya siya lumayo.


May closure. Sinabi niya na siya ang mali. Sinabi niyang hindi na siya tinitigasan sayo. Sinabi niyang hindi ka magaling kumantot at may nahanap siyang mas malaking ari kesa sayo. Sinabi niyang mabaho ang hininga mo at sinabi niyang ayaw niya sa bunganga ng nanay mo.

May closure o wala, pareho silang nag-iisip ng what if. What if hindi ako nagpawax? What if hindi ako nagkwento tungkol na paborito ko ang Two Girls and One Cup? What if nilakasan ko pa ang pagmomoan ko? What if uminom ako ng viagra? What if kumonsulta na ko sa doktor nung napansin kong mabaho ang hininga ko? What if ipinadlock ko na ang nanay ko sa basement at nilagyan ng maraming plaster ang bibig niya tuwing pupunta siya sa bahay?

Halos pareho lang. Kaso yung mga walang closure, clueless. Hindi nila alam kung san sila nagkamali.


At sa isang banda, magiging pareho sila sa elemento ng hindi pagtuto. Pustahan. Hindi sila magbabago. Sasabihin nila, ‘may makikita rin ako na tatanggapin ako ng buong buo, kahit pa mabaho ang hininga ko.’

Closure.

Walang closure.


Isa lang ang bagsak niyan-


One message received

::Dude, san ka? Tara, inom tayo. Sagot ko!

Comments

  1. sa tingin ko kahit gawin mo lahat ng gusto mo, lagi parin na may lalambi-lambitin sa isipan natin na what if. di ga?

    tara inom tayo. :)

    ReplyDelete
  2. its not you, its me... ;)
    napadaan sa isang gabing mahirap humanap ng antok.

    an_indecent_mind

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts