What Do I Want To Do With My Life?



 Universe, why naman ganon? Nung sinabi kong gusto ko yung Choose Your Own Adventure, libro yun, hindi yung buhay ko.


Abundance is my karma. Andami kong kayang gawin na hindi ko na alam kung san ako magsisimula.


Andaming dumating na opportunities nitong Mercury Retrograde in Gemini na nasa Taurus na ngayon:

- Crypto trading partner

- Doodling

- Writing

- Pursue being an astrologer

- Magstart ng Tiktok

-…O kaya YouTube

-New streams of income


May dumating din na Aries Rising na parang pinadala ng universe para sabihing: Go lang ng go.


At dahil may dumating, marami ring nasira. Marami ring nawala.

-Nasirang tv na out of warranty na.

-Lumipad na elisi ng paborito kong pink electric fan habang nasa kalagitnaan ako ng Do Not Disturb

-Streams of income 😣

-Maraming maraming miscommunication

-Nagkasakit na nanay

-Naglolokong PC ng anak ko

-Moira at asawa niya.


Marami pang iba na di ko na maalala because why should we dwell on the past that no longer serves us?


Naks.


So ayun na nga. Andami ko nang nilitanya. Ilang buwan na akong nakatunganga. Sumasayaw ang mga ideya sa utak ko pero walang end product. Walang gasolina ang dyip and in this case, even the dyip is kathang isip.


Pumasok lang ngayon sa utak ko yung author ng Eat, Pray, Love. Kaya ko kaya yun? Kaya ko bang harapin ang dako pa roon? Kaya ko bang magsulat ulit?


Alam mo, di ko rin talaga alam.


Di natin malalaman kung di natin susubukan.


Malay mo, pwede rin tong gawing pelikula. Kung panong di ako lumabas ng apartment ng ilang buwan tapos ayan bigla na lang, nagbabike na ako uli(kanina saka nung isang araw - another naks moment).

 Bigla nalang, nagsusulat na naman ako.


Magugulat ka nalang na, with all the twists and turns, everything just really works out in your favor.



 


Comments

Popular Posts