BS Konmari My Entirety

Dadating ka sa pinakamalungkot na parte ng buhay mo na marerealize mong mag-isa ka. Yung walls ng comfort zone mo ay binubulldozer ng kaululan. Walang tutulong sayo kundi sarili mo lang. Marerealize mo na tangina, hindi ito yung buhay na gusto ko. 


Ano nga bang gusto ko? 


Naglinis ako ng apartment. Kinonmari ko ang buhay ko. Hinawakan ko isa-isa ang mga gamit. Do I feel joy? No? Goodbye. Yung dating more than a dozen kong sapatos, dalawa nalang ngayon. Tatlo, kung kasama ang bike shoes. 


Dahil sa mataas na gradong nakuha ko sa BS Konmari My Entirety, naging madali para sakin ang itanong kung masaya ba ako sa ginagawa ko. Sa ganitong paraan, kapag hindi na ako masaya, ano pang dahilan para magstay, diba?


Nung una, hindi pa ako marunong mag let go. Dinadaan ko sa dasal.  Ang sabi ko sa dasal ko: Lord, di ako masaya. Pero kung ito yung buhay na gusto mo para sakin, tatanggapin ko. Pero kung hindi ito ang dapat na para sakin, gawan mo ng paraan para makaalis. 


The prayer works, all the time. Yun nga lang, I swear to God. Masyadong maraming drama yung mga answered prayer na yun. 


Masasabi mo talagang: the rejection is a redirection.  


Comments

Popular Posts