Love, defined.

Andaming maling akala ng nakababatang ako. Kung ipapadefine mo sakin ang love noon, sasabihin ko sayong love is compromise. Love is accepting the totality of the person, the good, the bad, and the ugly. Akala ko noon ang mature love ay ang patuloy na pagpili ng iisang tao, na healthy ang isang relasyong walang away, walang gulo. Nasanay ako na ako ang trumatrabaho nang lahat, ako ang namomoblema at magbibigay ng solusyon sa lahat. I was a one-man team of four. 

Nasanay ako sa old idea na ang unwed women ay mahihirapan nang maghanap ng mapapangasawa, na isa kang damaged goods and it will take a real man to accept you and father your child. Naniniwala ako noon na kapag wala kang jowa, pangit ka. Bakit nga naman kasi walang gustong jowain ka? Masama ba ang ugali mo? Mabaho ba ang hininga mo? 

I didn’t have a good history of lovers. I also didn’t have a good background with family relationships, either. Inamin ni mama na noong nalaman niyang kasal na pala si papa habang pinagbubuntis niya si kuya, tinanggap nalang niya ang katangahan niyang hindi nagbackground check at gumawa pa ng dalawang bata. Nagmadali rin akong isuko ang Bataan because I thought it will make me feel whole, it will make me one of the cool kids. 

I’m really not here to point fingers. Hindi kasalanan ng magulang ko o ng mga ex ko kung paano nila ako trinato and vice versa pero kung papayagan kong maulit ang history, ako na yun. Sabi nga ni Bob Ong: 

 “Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.” 

We really had to experience life itself to know what’s working for us and what isn’t. Life experiences ang tutulong satin magbigay ng depinisyon sa ating mga non-negotiables, at tayo lang ang makakapagsabi kung ano ang deserve natin, at kung anong kailangan na nating iwan at i-tag as character development. 

It’s all in the past, yes. But past is present when you carry it with you (Sybil, 1974). Mabigat dalhin ang trauma na hinayaan mong maging depinisyon mo for the longest time. And it just gets heavier and heavier to the point na marerealize mo na hindi ka si Atlas, hindi ka binuo ng tatay at nanay mo para pasanin ang mundo. 

I still don’t know how to best define love. Love for me, is still accepting to the totality of the person. But this time, the person I am choosing to accept is myself – my good, my bad, and my ugly. You really cannot pour from an empty cup. Ang hirap pekein nito at wala rin tong quick fix. Change the narrative of your story. Ikaw at ikaw lang din ang kayang gumawa niyan. End chapters, flip the page and write a new one. Walang bagong kwentong magaganap kung patuloy kang papayag sa mga lalaking 'let's have sex then let’s see from there' ang tema. 

Pero baka hindi mo to magawang sabihin sa sarili mo until you reach the point na ubos na ubos na ubos ka na. Pwede kang umiyak sa shower at sabihing ang dumidumi ko pero pwede ring umusad matapos ang realization na to, kumuha ka ng sabon, ng loofa, at kuskusin mo ang lahat ng duming nakikita mo, magbanlaw, magtuyo at magbihis at umiyak uli. Pero kumilos ka. 



Hindi ka kulang. Isa kang expensive package delivered to the wrong address, over and over again. Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa isang address na hindi mo naman dapat puntahan dahil for sure, hindi makikita ng receiver ang worth mo dahil hindi ka naman talaga para sa kanya. 

Ngayon, I finally understood people who chose to stay single, kung bakit naging conscious effort na piliin ang sarili, in all aspects. I will continuously cheer for those people who decided to love themselves the way they should be loved. Hindi sila pangit, hindi masama ang ugali nila, at lalong hindi mabaho ang hininga nila. Narealize lang na hindi bagong jowa ang sagot sa deep-rooted trauma nila, na this life doesn't revolve in relationships, lalo na yung mga relasyong hindi na nakikita ang worth nilana learning to love yourself is indeed, the greatest love of all. 

Enjoy the redirection, you are meant for so much more than what you settle for. 


Comments

Popular Posts